NANAWAGAN ANG AF3IRM AT SISTER CIRCLE COLLECTIVE NG MATIBAY NA PAKIKISAMA AT TINIG NG KABABAIHAN SA MARTSA NG MILYON

10855148_481818095290391_4695286024549506894_o

 

 

 

 

KAGYAT NA PAHAYAG
Pakikipag-ugnay:
Veronica Agard — [email protected]
AF3IRM NYC – [email protected]

NANAWAGAN ANG AF3IRM AT SISTER CIRCLE COLLECTIVE NG MATIBAY NA PAKIKISAMA AT TINIG NG KABABAIHAN SA MARTSA NG MILYON

Nueva York: Mula sa 92-taong-gulang na Pearlie Golden, pinatay sa Atlanta, hanggang kay pitong-taong-gulang na si Aiyana Stanley-Jones, pinatay sa Detroi, Michigan, dinanas at dinaranas ng kababaihang itim at batang babae, pati na rin ng mga bakla, trans at iba pang kasarian, ang dahas ng pulisya. Panahon na, ayon sa AF3IRM NYC at Sister Circle Collective, na bigyan ito ng pansin.

Sa ilalim ng hastag na #feministsonthemove, nag-iimbita ang dalawang organisasyon sa mga kababaihan, bakla, trans at iba pang kasarian na tumulong lumikha ng isang malakas na pangkat ng kababaihan sa Martsa ng Milyon laban sa dahas pulisya sa Disyembre 13. Magtitipon ang mga dadalo sa Washington Square North/5th Avenue, ala-una ng hapon. Hinihiling din na magsuot ng lila ang mga dadalo bilang pakikiisa sa pakikibakang ito.

“Payak lang ang gustong iparating: ang karahasang estado ay nararamdaman rin ng mga itim na babae at batang babae, ng mga bakla, trans at ng mga taong may ibang kasarian. Ang pandarahas laban sa babaeng itim, batang babaeng itim, mga bakla, trans at ibang kasarian ay walang puknat at mula sa pambubugbog hanggang paggahasa. Panahon na kilalanin ito at idagdag sa ating kaalaman tungkol sa dahas-estado at biyolesya ng pulis,” sabi ni Olivia Canlas, ng AF3IRM NYC.

“Hindi natin mapapalitan ang hindi natin kinikilala. Ang pandarahas laban sa itim na babae at batang babae, kasama na sa mga bakla, trans at iba pang kasarian, ay kasing tagal na ng pandarahas laban sa kalalakihang itim. Isa siyang mabigat na sangkap ng dahas-estado at brutal na pulisya,” dugtong ni Lanai Daniels ng Sister Circle Collective.

Ang pandarahas ng pulis laban sa kababaihang itim, batang babae, mga bakla, trans at ibang kasarian ay nangyayari sa halos lahat ng estado ng Estados Unidos. Si Yvette Smith, 47, ay pinatay sa Texas; si Nizah Moore, 34, ay pinatay sa Philadelphia; si Miriam Carey, 34, ay pinatay sa Washington, Dc; si Rekia Boyd, 22, ay pinatay sa Chicago; si Kayla Moore, 42, ay pinatay sa Berkeley, California; si Tarika Wilson, 26, ay pinatay sa Ohio; si Alberta Spruill, 57, ay pinatay sa New York tulad ni Shereese Frances, 30. Isisigaw ang kanilang mga pangalan sa kalye at mga pangalan ng iba pang pinaslang ng mga alagad ng batas kuno.

Ang layon sa pananawagan ukol sa dahas-pulsya laban sa kababaihang itim, bakla, trans at iba pang kasarian ay isang pagsaklaw, hindi paghati. Ito’y pagkilala sa pamumuno ng kababaihang itim sa kilusang ito, pagkilala sa rasismo laban sa itim sa maraming komunidad ng mga hindi puti. Ito’y pagtatayo ng pagkakaisa lampas sa hangganan ng lahi at etnisidad, at pagkilala sa sangangdaan ng pang-aapi na pinanghahawakan natin bilang babae, batang babae, bakla, trans at iba pang kasarian. Ito’y bilang pagkilala na ang mga komunidad ng minorya sa Estado Unidos, lalo na ang komunidad ng itim ay maparaang pinupuntirya sa kabuuan. Ito’y pagkilala rin na may mga espesyal na pandarahas laban sa kababaihang itim, batang babae, bakla, trans at ibang di-sumasang-ayon na kasarian.

Isa sa mga kasong ito ay tungkol kay Daniel Ken Holtzclaw, isang pulis sa Oklahoma, na inakusahan ng panggagahasa ng pitong Aprikano-Amerikanong babae. May paratang din sa kanya ng pagnanakaw at felonious stalking. Kasalukuyang nakapianyansiya siya.

“Kapang sinabi nating #maykabuluhanangbuhayitim (#blacklivesmatter), kasama rito ang buhay ng kababaihang itim, buhay ng batang babaeng itim, at buhay ng mga itim na bakla, trans at iba pang di-sumasang-ayon na kasarian. Ang dahas-estado, na pinapahiwatig ng karahasang pulis, ay hindi pira-piraso,” sabi ni Veronica Agard ng Sister Circle Collective.

Ang tipon ng kababaihan sa martsang ito ay pagpatunay sa kanilang aktibong pakikibahagi sa pagtutol sa pagpaslang ng mga kalalakihang itim at isang pahayag ng protesta laban sa dahas-estadong humahagupit sa kababaihang itim, batang babaeng itim, bakla, trans at sa iba pang di-sumasang-ayon na kasarian. — #

#blacklivesmatter
#blackwomenslivesmatter
#feministsonthemove
#holditdown
#assatataughtme
#angelataughtme